LOVESTRUCK : Love mo siya? Sure ka ba?
By Ronald Molmisa
What many young people consider love may only be infatuation. Infatuation is an intense, short-lived and irrational passion for somebody. Madalas apektado ang pag-iisip ng nakakaramdam nito. To further explain the qualities of infatuation, here are it's seven major signs :
1. THE AXE EFFECT
Sikat ang mga commercials ng AXE cologne sa buong mundo. Ang mensahe nito : Mababaliw at mahuhumaling ang mga babae sa mga lalaking gumagamit nito. Dahil sa bango ng AXE, nawawala sa sarili nilang bait ang mga babe at susundan kahit sa kailaliman ng dagat ang Adonis na gumagamit ng mala-gayumang pabango. Pagdating sa pag-ibig, kalimitang nakatuon sa pisikal ang mga nararamdaman ng infatuation. Hindi lang sa amoy, kung hindi sa higit na nakikita. Infatuation focuses on the physical traits, nagustuhan dahil sa dimples, maputing balat, kasingkitan ang mga mata (lalo na sa mga nahuhumaling sa Korean boy bands), mapuputing ngipin o kaya ay dahil sa mala-Mark Herras sumayaw.
Nagugustuhan ng mga infatuated ang isang tao dahil sa kanyang mga piling katangian. Pero dahil walang taong perpekto, makakakita sila ng ikadidismaya. Kabilang sila sa UY... AY Group. Sa ga boys : "Uy ang ganda niya...AY may bad odor pala?" Sa mga girls : "UY ang cute nya... AY bad breath pala!" Matapos makita ang kahinaan at masamang katangian ng nagugustuhan, nawawala ang paghangang nararamdaman.
2. THE KISAP-MATA COMPLEX
Infatuation starts and ends fast. Bakit? Kasi nagbabago ang mga nararamdaman ng mga infatuated ayon sa kondisyon ng emosyon nila. Sa simula, napakatindi ng spark ng pag-ibig. Laging may stars sa mga mata. Tatawirin ang isang libong kabundukan, mapasaya lang ang minamahal. Magtatalunan ang mga hormones sa kanyang katawan at kayang ipagsigawan sa buong mundo na mahal na mahal niya ang kanyang partner. Pero matapos ang ilang araw o linggo, lubos na nakikilala ang iniirog. Sasabihin sa sarili : "Hindi na sia ang dating nagustuhan ko. Nagbago na siya". Ang resulta : Ayawan na! Ayawan na! Ayawan na! Parang isang batang nakikipaglaro at kapag naasar dahil siya lagi ang taya, iiwan ang mga kalaro at uuwi ng bahay. Ang mga infatuated, kapag hindi na nag-i-enjoy, unti-unting mawawala ang interes sa relasyon.
3. THE CRAZY-FOR-YOU SYNDROME
Infatuation can make a person disorganized, distracted and ineffective. Sabog ang isip mo. Kapag infatuated ka kasi, halos lahat ng tingnan mo, feeling mo naroon siya. Tumingin ka sa langit, mukha niya ang makikita mo sa ulap. Kumain ka sa canteen, ngiti nya ang makikita mo sa pinggan mo. Hanggang sa kalye, mukha niya ang naaaninag mo sa billboards at posters. In short, hibang na hibang ka. Hindi mo na iniintindi ang mga nasa paligid. Ang mahalaga sa iyo ay lagi kang masaya.
4. JUST-THE-TWO-OF-US FEELING
Infatuated people often isolate themselves from others. Umiikot ang buhay ng magkasintahan sa kanilang dalawa lamang. Walang makapaghihiwalay sa kanila. Kahit saan magpunta, laging magkasama at HHWWPSSP (Holding Hands While Walking Pa-Sway Sway Pa) - sa school, sa mall, sa park, sa pagbili sa tindahan, kahit minsan sa pagpunta sa CR. They tend to lose interest in things that used to motivate them. Binibitiwan na kasi nila ang dating pinagkakaabalahan at nakatuon na lamang sa karelasyon. Hindi na napapansin at nabibigyan ng sapat na atensyon ang mga ibang mahal sa buhay. Kung dati rati'y laging present sa family affairs, ngayon kailangan pang itanong sa BF/GF kung pwede silang sumama. Dahil meron ng beloved, hindi na rin madalas sumama sa activities ng dating mga kabarkada.
5. THE NEED-YOU-HERE SICKNESS
Kung peke ang pag-ibig, madali itong mawala kapag magkalayo ang mag-partner. Mababaw ang pundasyon ng relasyon dahil nakatuon sa pisikal na aspeto. Kapag hindi na nakikita, nahahawakan o nakakausap ang partner, unti-unting manlalamig ang damdamin hanggang sa mawalan na ng interes. Pero ang tunay na pagmamahal ay hindi kayang patayin ng distansya. Kahit ilang taon pa kayong hindi nagkita, kung talagang tunay ang inyong nararamdaman, gagawin ninyo ang lahat para mapanatili ang pagtingin ninyo sa isa't isa.
6. "KUNG-AYAW-MO, HUWAG-MO" PROBLEM
Madaling nasisira ang relasyon ng mga infatuated sa mga simpleng away at tampuhan. Dahil laging may LQ (Lover's Quarrel), unti-unting natutuyo ang damdamin. Nag-aaway dahil hindi magkasundo sa maliliit na bagay (e.g. hindi tinext, hindi nagustuhan ang gupit ng isa o nakalimutang magsabi ng "I LOVE YOU"). Ang mga hindi pagkakaunawaan ay dahil sa pagiging self-centered. Sa isip ng bawat isa : Ako muna bago ikaw! Hindi rin maiwasan na makapagbitiw ng masasakit na salita. Pagkatapos ng away, parang mga batang magbabati. Pero sa halip na mapatibay ang relasyon, unti-unting nanlalamig ang damdamin sa bawat isa. Ang laging pag-aaway ay tanda ng lumalaking lamat sa relasyon. Kung gusto ng makipagbreak ng isa sa kanila, no big deal.
7. AKIN-KA-LANG ATTITUDE
May pagka-possessive ang mga infatuated. Ayaw na ayaw na mawala sa paningin nila ang kanilang partner. Jealousy becomes part of the relationship. Natatakot kasi na mabaling ang atensyon ng partner sa iba. Parang sinasabi sa ka-partner : "Gusto kong lumigaya ka, pero wag ka nang titingin sa iba. Kailangan ako lang sa buhay mo." Hindi lang tao ang pinagseselosan. Kahit ang mga bagay o gawain na umaagaw ng atensyon ng partner, pinagdidiskitahan din?
No comments:
Post a Comment